tesssssstt


Sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act at concubinage o pagtataksil si Olympic medalist Eumir Marcial ng kanyang asawang si Princess.

Ayon sa ulat, kinasuhan ni Princess si Eumir sa Office of the City Prosecutor sa Pasay ngayong Biyernes, Enero 10.

Sa inilabas namang official statement ni Princess sa kanyang Facebook account, sinabi niyang nahuli niya si Eumir at ang babae nitong si Jessa Santos sa loob ng Airbnb condominium sa Pasay noong Oktubre 2024.

Kasama raw noon ni Princess ang kanyang kapatid at ipinaaresto nila sina Eumir at Jessa. Nakulong aniya ang dalawa ng limang araw.

Sa kabila raw ng pagtutol ng kanyang pamilya, binigyan niya pa rin ng maraming tsansa ang atleta upang maayos ang kanilang pagsasama kaya pinalaya niya ito sa pamamagitan ng pagpirma sa affidavit of desistance habang pumirma naman daw si Jessa sa compromise agreement.

Pero lingid daw sa kaalaman niya, nagkasundo si Eumir at ang batang kabit umano nito mula sa hometown nito sa Zamboanga City na mag-live in.

“I’ve managed to maintain some correspondence with some of our mutual and trusted friends in Zamboanga City where they alluded that Eumir and his mistress have decided to live together.”

Sinabi rin niyang kinuha lahat ng boksingero ang savings nila at ginamit ang pera para makapagtayo ng bahay sa Zamboanga para sa kanila ng kabit niya.

“For these obvious reasons, I had to go on separate ways with Eumir and severed all sources of communication with him after all the trauma, manipulation, emotional stress, physical abuse, and psychological torment that I had to endure these past few months and throughout our years of being together,” saad ni Princess.

Dagdag pa niya, pinagbabantaan din daw siya ni Eumir na sisiguraduhin daw nitong hindi na siya makakabalik sa Amerika o makakakuha ng kahit na ano mula sa kanilang paghihiwalay.

“A bigger part of the reason why I’m making this information public is because I’m seriously concerned about my safety, the safety of my family, and the potential witnesses of this case against Eumir,” aniya.

Ikinasal sina Eumir at Princess noong 2021 matapos manalo ang una ng bronze medal sa 2020 Tokyo Olympics.

Share.