Nailatag ang lahat ng paghahanda para sa tradisyunal na pahalik sa Poong Jesus Nazareno.
Sa Quirino Grandstand, natapos na ang pagsasaayos sa paglalagyan ng imahe sa pagtutulongan ng lokal na pamahalaan ng Maynila,MMDAA at pamunuan ng Simbahan ng Quiapo.
Nakapagtayo na rin ng barikada at mga tolda para sa pila ng mga deboto habang natapos na rin ayusin ang entablado para sa pahalik, pagsasagawa ng programa at misa.
Alas-12:00 ng hatinggabi ng Enero 7 ang opisyal na simula ng pahalik pero ayon sa pamunuan ng simbahan ng Quiapo, maaari itong isagawa ng mas maaga.
Ito’y kung may mga deboto na ang maagang pipila matapos ang misa para sa mga volunteers ng 6:00 ng gabi.
Base naman sa nakuha natin impormasyon, ang imahe ng Poong Jesus Nazareno at andas nasa Quirino Grandstand na rin pero hindi pa ito inilalabas sa publiko.