Itinuturing nang kauna-unahang trilyonaryo sa mundo si Elon Musk matapos ang matagumpay na market debut ng SpaceX.
Mas lalo pang tumibay ang posisyon ng Tesla at SpaceX founder bilang pinakamayamang tao sa mundo, na may tinatayang net worth na $1.11 trilyon, ayon sa Bloomberg Billionaires Index.
Umabot sa mahigit $2.2 trilyon ang halaga ng SpaceX sa unang araw nito sa Nasdaq stock exchange.
Nagsara ang shares ng SpaceX noong Biyernes sa $161, mas mataas kumpara sa initial offering price na $135.
Umabot naman sa $75 bilyon ang nalikom ng kumpanya sa initial public offering, na itinuturing na pinakamalaki sa kasaysayan.

Share.
Exit mobile version