Nakamit ng pole vaulter na si EJ Obiena ang kanyang unang gintong medalya para sa outdoor season matapos manguna sa Czeslaw Cybulski Memorial sa Poznan, Poland nitong Lunes, Hunyo 29.
Nalampasan ng two-time Olympian ang taas na 5.72 metro sa kanyang ikalawang pagtatangka upang masungkit ang kampeonato, at tinalo ang mga katunggali na kinabibilangan nina Owen Heard ng Great Britain at Matteo Oliveri ng Italy.
Nakuha naman ni Heard, ang 2025 British champion, ang pilak na medalya sa pamamagitan ng countback matapos nilang kapwa malagpasan ni Oliveri ang 5.60m.
Naiuwi naman ng Italyano ang tanso, na siya ring kanyang pinakamagandang laro para sa season na ito.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakatuntong sa podium si Obiena ngayong season matapos mapanalunan ang silver medal sa Flight Circus sa Dusseldorf, Germany dalawang linggo na ang nakalipas.
Trending
- POC inanunsyo Alas Pilipinas pools para sa Asian Games
- EJ Obiena sumungkit ng unang outdoor gold sa Poland
- Kris, may sweet message kay Josh
- Teejay Marquez, adik sa spa
- Maris, waging best actress
- Programa laban sa inflation, ipagpapatuloy
- Bonoan kukuning state witness ng Ombudsman sa flood control scandal
- Mandatory inspection sa school bags
