GINULANTANG ni Alex Eala ng Pilipinas ang Wimbledon, sorpresang sinilat ang defending champion na si Iga Świątek sa isang “cardiac game” na third round, Seven-Six ; Six-Two.
Sa unang set, nakipagpukpukan si Eala sa mahaba, nakakapagod na ma-marathon na tiebreak bago sinunggaban ang panalo.
Sa ikalawang set, tila siklistang nag-break-away siya sa Four-Zero agwat at kinipkip nang todo ang momentum hanggang sa manaig na tila tigang sa tagumpay.
Si Świątek ay anim na beses na Grand Slam champion at itinuturing na titan ng tennis kaya’t kumbaga sa boxing, tinalo ni Manny Pacquiao si Muhammad Ali sa isang quantum match.
Ang kabiguan ni Swiatek ay mistulang pagbulagta ni Goliath nang tiradurin ni David sa biblical period.
Mula umpisa hanggang dulo, halos mabaliw ang mga nakasaksi sa Center Court—kumbaga sa chess, ito ang “Table One”.
Sa unang serve pa lang, ipinakita ni Alex na wala siyang takot—hindi siya nagkasya sa depensa– bagkus siya ang nagkumpas sa laban na tila konduktor ng koro sa serye ng mga bilis gamit ang matitinding baseline shots.
Kumbaga sa horseracing, rumimate siya ng Five-Three lead at nagkaroon ng set points, ngunit ipinakita ni Świątek na may puso rin siyang mandirigma—kaya’t nakabawi at napuwersa ang tiebreak.
Tila nanonood ng sabong sa gradas, tumaas ang presyon ng dugo ng mga tennis fans dahil ang tiebreak ay naging cardiac game sa N.B.A. sa United States.
Naipader ni Alex ang Five-Two cushion, ngunit iginuho agad ni Iga at nakaligtas sa ilang set points.
Sa huli, ipinakita ni Alex ang talino sa laro, hindi nagpatinag, at tinapos ang set sa Eleven-Nine.
Kapag nanalo ang underdog sa brutal na first set, bumabawi ang superstar sa ikalawa.
Pero tila pating na nakaamoy ng dugo si Eala , sakay ng agos ng momentum, lumangoy siya ng halos perpektong tennis.
Gamit ang karanasan—naramdaman niya ang panghihina ng serve ni Świątek, kaya’t nakopo ni Alex ang apat na sunod na laro para makuha ang Four-Zero lead.
Sinikap ng naghihingalong si Iga na makarekober—pero tuluyang isinalya ni Alex ang pintuan –sa huling serve, nakulong si Swiatek sa kabiguan, tumalsik siya sa prestihiyosong grand slam!
Makakalaban ni Eala sa Round of Sixteen si Jasmine Paolini, trenta-anyos, World Number Seventeen.
Ito ang kanilang ikalawang pagharap: Una silang nagtagpo sa Round of Thirty Two ng Dubai Tennis Championships, kung saan nanaig ang Pinay.
Ang mananalo sa laban nina Eala at Paolini ay uusad sa quarterfinals, kung saan makakaharap ang magwawagi sa pagitan nina Marta Kostyuk at Ashlyn Krueger.
