NABIGO si Alex Eala ng Pilipinas sa kamay ni Jasmine Paolini ng Italy sa Round of Sixteen, pero nagkamal siya ng higit sa pitumput limang  milyong piso—sa kabuuan ng tennis career mula Enero, Dosmil Beinte Sais  – pinakahuli ang three hundred ninety six thousand dollars sa Wimbledon—katumbas ng dalawamput apat na  milyong pisong premyo!

Sa loob ng tatlong set, ipinakita ni Eala ang kanyang tapang at husay, ngunit nanaig si Paolini, Six-Four; Four- Six; Six-Three.

Gayunman, nakapagtala si Eala ng kasaysayan bilang unang Filipina sa Open Era na umabot sa ikalawang linggo ng Wimbledon. Ang kanyang panalo laban sa reigning champion na si Iga Świątek sa ikatlong round ay isa sa pinakamalaking upset ng torneo.

Tinalo ni Alex  si Renata Zarazúa sa unang round; pinadapa sa second round si Maya Joint bago na-upset si Iga Swiatek sa third round pero hindi siya nagtagumpay kay Paolini sa Round of Sixteen.

Ang  Wimbledon Twenty Twenty Six ang nagbigay ng pinakamalaking single-event prize money kay Eala.

Ibinantayog niya ang Pilipinas sa mapa ng daigdig dahil ang kanyang pakikibaka sa pinakaprestihiyosong Grand Slam ay nagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino sa buong mundo.

Inaasahan ang kanyang pag-angat sa W.T.A. rankings tungo sa  World Number Twenty Eight na indikasyon ng kanyang super-bilis na  pag-imbulog sa world tennis  sa murang edad na beinte-uno anyos!

Share.
Exit mobile version