Nabiyayaan si Alex Eala ng wild card entry sa 2026 Bad Homburg Open na gaganapin sa Hunyo 20 hanggang 27 sa TC Bad Homburg grounds sa Germany.
Pormal nang inihayag ng mga organizers ang pangalan ni Eala bilang isa sa mga nabigyan ng wild cards.
Kasama rin ng nabiyayaan ng wild card sina Eva Lys ng Germany at dating Grand Slam champion Venus Williams.
Ang torneo ay isang WTA 500 event na lalahukan ng mahuhusay na tennis stars sa mundo kabilang na sina Wimbledon champion Iga Swiatek ng Poland, Naomi Osaka ng Japan at Elina Svitolina ng Ukraine.
Bahagi ito ng paghahanda ni Eala para sa Wimbledon Championships na gaganapin sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 12 sa London, England.
Ngunit bago sumabak sa Germany, lalahok muna si Eala sa tatlong events sa Great Britain.
Una na ang Birmingham Open sa Hunyo 1 hanggang 7 kung saan hawak nito ang No. 2 seed sa main draw.
Lalahok din si Eala sa Ikley Open sa Hunyo 8 hanggang 14 at sa Nottingham Open sa Hunyo 15 hanggang 20.
Galing si Eala sa kampanya sa French Open sa Paris, France kung saan maaga itong nasibak sa singles matapos matalo kay Iva Jovic ng Amerika sa first round, 4-6, 2-6.
Hindi na rin nakalaro sina Eala at Victoria Mboko ng Canada sa doubles dahil nag-withdraw ang dalawa.
Kaya naman puspusan na ang paghahanda ni Eala para sa grass season.
Trending
- Ginebra isang panalo na lamang para makapasok sa finals
- Eala may wild card sa Homburg Open
- Richard Gutierrez, Gerald Anderson tumitindi ang hidwaan
- Vice Ganda namigay ng kare-kare sa mga street sweeper
- John Lloyd Cruz ipinaranas sa anak na si Elias ang simpleng pamumuhay
- Libreng board, bar exam sa qualified indigents, inihain
- MRT-7, ‘di mababawasan ng estasyon
- Pinakamahabang araw mararanasan sa Hunyo 21 – PAGASA
