Pinapayagan na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga miyembro nito na umutang para makabili ng e-bike o e-scooter sa ilalim ng Ginhawa Bike and E-Mobility Loan (GBEL).
Ayon sa GSIS, maaaring umutang ang mga miyembro ng hanggang 100% ng halaga ng e-bike, na may maximum na P300,000.
Ang loan ay babayaran sa loob ng 36 buwan at may 5% interest kada taon.
Maaari ring gamitin ang loan sa pagbili ng e-scooter, e-moped, cargo e-bike, at folding e-bike. Maaaring mag-apply online gamit ang GSIS Touch mobile app.
Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, makakatulong ang loan upang mabawasan ang gastusin ng mga miyembro sa araw-araw na transportasyon.
“We want our members to be able to move through their communities without that financial weight,” aniya.
Noong nakaraang buwan, nagsimula rin ang GSIS na mag-alok ng loan para sa pagbili ng solar power packages at pag-install ng home solar panels.
Trending
- Lookout order vs Leviste, iba pa hiniling ng NBI
- Campus attack sa Banga, planado ng attacker
- Pacquiao : May honorary doctorate mula PNU
- Netizens, pinuri si Echo sa pagiging gentleman at sweet
- Atasha, nag-flex ng abs
- Katherine, hindi na naiilang kay Coco!
- ASIA TOUR NI GABE TARDIO SA OPUS MALL DINAGSA
- Philippines Men’s at Women’s Teams wagi sa 46th Chess Olympiad
