Kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) Pre‑Trial Chamber I ang mga kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ilang araw matapos ideklara ng Appeals Chamber na may hurisdiksiyon ang korte sa naturang kaso.

Mistulang pinarusahan ang dating pangulo ng double   black-eye dahil sa magkasunod na kabiguan  sa  hukuman—hurisdikisyon at matibay na ebidensiya  laban sa  kanya sa kaso!

Ayon sa  mga ulat, inilabas ng ICC noong Abril 23, 2026 ang 50‑pahinang desisyon na nag‑uutos na iharap si Duterte sa paglilitis sa tatlong bilang ng crimes against humanity kaugnay ng mga pagpatay sa kampanya kontra droga.

Matapos ideklara ng Appeals Chamber noong Abril 22 na may kapangyarihan ang ICC na dinggin ang kaso, agad namang naglabas ng hiwalay na desisyon ang Pre‑Trial Chamber I kinabukasan, Abril 23, na kinukumpirma ang mga paratang laban kay Duterte.

  • Tatlong Bilang ng Kaso:
  • 1️⃣ Murder bilang crime against humanity sa Davao City (2013–2016)
  • 2️⃣ Murder ng mga “high‑value targets” sa buong bansa (2016–2017)
  • 3️⃣ Murder at attempted murder sa mga barangay clearance operations (2016–2018)
  • Batayan:

May “substantial grounds to believe” na si Duterte ay responsable sa malawak at sistematikong pag‑atake laban sa mga sibilyan.

  • Susunod na Hakbang:

Bubuuin ng ICC Presidency ang Trial Chamber na magsasagawa ng paglilitis, magtatakda ng petsa, at magpapatupad ng mga patakaran para sa patas na proseso.

Mga Biktima:

539 katao ang awtorisadong lumahok sa paglilitis, kinakatawan ng mga abogadong Filipino Joel Butuyan at Gilbert Andres, kasama si Paolina Massidda ng Office of Public Counsel for Victims.

Si Duterte ay inaaresto noong Marso 11, 2025 sa Pilipinas at kasalukuyang nakakulong sa ICC Detention Facility sa Scheveningen, The Hague. Ayon sa Rome Statute, dapat personal na dumalo ang akusado sa paglilitis maliban kung pahintulutan ng mga hukom ang ibang kaayusan.

Share.
Exit mobile version