KINUWESTIYUN  ng kampo ni Ex-president Rodrigo Duterte ang karapatan ng ICC na imbestigahan ang kaso.

Sinabi nila na lumampas na sa itinakdang panahon.

Dapat umano—ay nagsimula ito sa loob ng isang taon, ngunit lumagpas na bago ito sinimulan.

Naniniwala si Vice President Sara Dutrerte na dahil sa pagkabalam, wala nang bisa ang kaso at wala nang hurisdiksiyon ang ICC.

Humiling din ang mga abogado ni Duterte sa ICC Appeals Chamber na tanggalin si Prosecutor Karim Khan sa kaso, dahil umano sa “matinding conflict of interest.”

Noong Hulyo, pinayagan ng ICC ang kahilingan ni Duterte na ipagpaliban ang desisyon sa kanyang pansamantalang paglaya habang kinokolekta pa ang mga dokumentong kailangan.

Si Duterte ay nakadetine sa Scheveningen Prison sa The Hague mula pa noong Marso 11, 2025.

Ayon kay VP Sara, nangayayat na nang husto ang kanyang ama, ngunit maayos pa rin ang kalagayan nito ayon sa mga doktor.

Kinasuhan si Duterte ng crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra droga noong siya ay alkalde ng Davao City at bilang pangulo.

Ayon sa opisyal na tala, mahigit 6,000 katao ang napatay sa mga operasyon ng pulis. Ngunit tinatayang umabot sa 30,000 ang bilang ng mga nasawi ayon sa mga human rights groups.

Share.
Exit mobile version