Muling naghain ng petisyon ang legal na koponan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) noong Agosto 19, 2025, upang humiling ng pansamantalang paglaya patungo sa isang hindi pinangalanang bansa.
Ayon sa dokumento, handang makipagtulungan ang naturang bansa sa ICC at ipatupad ang anumang kundisyon ng paglaya. Iginiit ng mga abogado ni Duterte na ang mga pagtutol mula sa prosekusyon ay “maliit o maaaring pag-usapan,” at binigyang-diin na hindi makatarungan ang patuloy na pagkakapiit habang tumatagal ang proseso ng paglilitis.
Nauna nang naghain ng kahalintulad na petisyon noong Hunyo, ngunit pansamantalang isinantabi ito habang kinokolekta pa ang karagdagang impormasyon. Ngayon, sa nalalapit na confirmation hearing, pormal na nilang inulit ang kahilingan.

Share.