Hindi isinasantabi ng Makabayan bloc ang posibilidad na may kinalaman ang mga Duterte sa kudeta sa Senado lalo na’t isinagawa ang pang-aagaw sa kapangyarihan bago maipasa sa kapulungan ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa press conference nitong Miyerkoles sa Kamara, sinabi ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na karamihan sa mga bumubuo sa majority bloc ngayon sa Senado ay mga kilalang kaalyado ng mga Duterte at tinaguriang “Duterte bloc”.
“Ang nagkudeta ay ‘yung Duterte bloc so malinaw na may hand (ang mga Duterte),” pahayag ni Tinio kung saan kaduda-duda aniya ang timing ng kudeta dahil alam ng lahat ng aakyat na sa Senado ang Articles of Impeachment.
Sa 13 Senador na kasama sa nagkudeta sa kay dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, 5 sa mga ito ang tinaguriang Duterte bloc na sina Sens. Robin Padilla, Ronald “Bato” Dela Rosa, Bong Go, Imee Marcos at Rodante Marcoleta.
Isa sa mga nakikitang basehan kung bakit may kamay aniya ang mga Duterte sa pag-agaw sa kapangyarihan sa Senado ay ang biglang paglutang ni Dela Rosa para maisakaturapan ang kudeta.
Kung wala aniya si Dela Rosa ay hindi makakabuo ng mayorya ang grupo ni Senate President Alan Peter Cayetano kaya kahit nanganganib na maaresto ito ay kailangang lumutang ito para sa mga Duterte.
“Malinaw, saka yung timing nito (kudeta) malinaw na kaugnay nito sa impeachment. So definitely may role ang Bise Presidente dito at ang kampo ng mga Duterte dahil sila ang pangunahing makikinabang dito,” dagdag pa ng mambabatas.
Trending
- LeBron, Lakers dinispatsa ng Thunder
- Nationwide drive kontra-lunod pinalakas ng PSC
- Erik Santos todo suporta sa pagka-ina ni Angeline Quinto
- Winwyn, role model bilang Reyna Elena
- Alex, pinagdarasal ng friends na buntis na
- Lahat ng legal remedies, gagawin ng kampo ni Sen. Bato
- Lahat ng legal remedies, gagawin ng kampo ni Sen. Bato
- Peter Haynes bagong abogado ni ex-Pres. Duterte sa ICC
