Viral ngayon sa social media ang interview sa isang Pinay sa London na inilarawan ang Pilipinas at mga Pilipino.
Sa TikTok post ng content creator na si @alanthedude, isang Pilipina ang kanyang nakapanayam para sa content nitong “Can you tell me where you from but without telling me where are you from?”
Agad naman ibinida ng Pinay na “super super nice” ang mga Pilipino at sey pa niya, “And if you are a nurse, you made it in life.”
Ipinagmalaki rin nito na maraming isla sa bansa, maganda ito para sa mga turista, at kilala ito sa sikat na pagkaing adobo. Gayundin ang pananakop ng mga Espanyol.
Nang tanungin na “Do you guys like your president back home?” na sinagot naman ng Pinay na “No, I don’t.”
Samantala, ikinagulat naman ng ilang Pinoy netizen ang sinabi nitong “The guy that invented Dubai chocolate is not from Dubai, is actually where I from.”
Tinutukoy ng Pinay ang Filipino pastry chef na si Nouel Catis.
Nabuo niya ang recipe noong 2021 habang nagtatrabaho sa Dubai-based na Fix Dessert Chocolatier, isang kumpanyang itinatag ng British-Egyptian entrepreneur na si Sarah Hamuda.
Kalaunan naman ay inilunsad niya ang kanyang sariling global chocolate brand na tinatawag na SNA’AP.
May mga netizen naman na na-shock sa naturang fun fact at reaksyon nga ng ilan, “Wait… Dubai chocolate was made by a Filipino?!”

Share.
Exit mobile version