Isang bata ang namataang nakasakay sa likurang bahagi ng isang Isuzu D-Max pickup truck habang bumibiyahe sa pampublikong kalsada.
Dahil umano sa mapanganib na gawain at malinaw na paglabag sa batas-trapiko, nag-isyu ng show cause order ang Land Transportation Office laban sa rehistradong may-ari at driver nito.
Pinagpapaliwanag ang may-ari sa Intelligence and Investigation Division dahl sa paglabag sa Exceeding Registered Capacity alinsunod sa Section 32 ng Republic Act No. 4136.
Samantala, haharap naman ang driver sa mga paglabas na Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Pansamantala na rin umanong sinuspinde ang lisensya ng driver sa loob ng 90 araw, habang inilagay naman sa alarm status ang nasabing sasakyan.

Share.
Exit mobile version