Agad inalis sa puwesto ang driver ng Philippine National Police (PNP) vehicle at ang kanyang immediate supervisor matapos ang viral video ng insidente sa EDSA Busway.
Inamin kasi ng pamunuan ng PNP na may kamakailang nagawa ang driver ng coaster na pag-aari ng PNP pagpasok nito sa EDSA Busway.
Nag-swerving kasi ang driver ng PNP vehicle mula sa lane 4 papasok sa busway dahilan upang bumangga ito sa isang pampasaherong bus.
Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Logistics Support Service Director Brig Gen Noel Vallo, pinapayagan naman ang coaster ng PNP na pumasok sa busway ng tatlong araw para sa hatid pasahero program dahil sa tatlong araw na transport strike.
Bukod dito, pilit pang hinihingi ng driver na pulis ang lisensya ng driver ng bus na hindi dapat.

Share.
Exit mobile version