Opisyal nang inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST)-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kanilang interactive weather mobile app bilang paghahanda sa mga pag-ulan dala ng Habagat at mga bagyo.
Sa inilabas na pahayag ng DOST-PAGASA noong Lunes, Hunyo 15, ang PAGASA National Hydro-Meteorological Observing Network (PANaHON) mobile app ay isang digital platform na mayroong sumusunod na features upang makapagbigay ng weather update sa netizens na gagamit nito:
1. Interactive map na may kasamang near real-time weather data.
2. Notifications hinggil sa tropical cyclone bulletins, thunderstorm at heavy rainfall warnings, at flood advisories.
3. Hourly forecasts at five-day weather outlook upang mabigyang kaalaman ang users sa magiging panahon sa kanilang pinned location.
Sa pagtatapos ng pahayag, ipinaalala ng DOST-PAGASA sa publiko ang kahalagahan ng paghahanda sa mga mamamayan, mga ahensya ng pamahalaan, mga lokal na komunidad, at institusyon upang matiyak ang kaligtasan sa kasagsagan ng mga sakuna.

Matatandaang inanunsyo ng PAGASA ang opisyal na pagsisimula ng panahon ng Habagat noong Mayo 30, kasunod ang pagpasok ng tag-ulan noon namang Hunyo 4.
Dahil dito, ipinaalala rin ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pag-iingat mula sa iba’t ibang mapapanganib na sakit na laganap tuwing bumubuhos ang ulan tulad ng waterborne diseases, influenza-like illnesses, leptospirosis, at dengue.

Share.
Exit mobile version