Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang pagiging handa at alerto ng ahensya matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) ang international health emergency matapos kumalat ang Ebola sa ilang bahagi ng Africa.
Matatandaan na idineklara ang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) kaugnay ng Bundibugyo strain ng Ebola virus, kasunod din ng naiulat na pagkasawi ng higit 80 katao sa Democratic Republic of Congo (DRC).
Nilinaw ng DOH na nananatiling walang kaso ng naturang virus sa Pilipinas at nakaalerto ang mga health authorities.
Paliwanag pa ng DOH, bagama’t may mga Ebola outbreak sa Africa, ang mga naunang insidente sa Pilipinas ay kinasangkutan ng Reston strain, na hindi nakakapagdulot ng sakit sa tao.
Tiniyak ng DOH na patuloy ang pagbabantay at pakikipag-ugnayan nito sa WHO para mapigilan ang pagkalat ng virus, at pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko kaugnay ng sakit.
Trending
- Weljon Mindoro haharapin ang Mexicano sa California
- PH lalahok sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships
- Maxene, tinawag na Pambansang Balakang
- Vice, pinalakpakan sa UP graduation
- Mariel, in-unfollow sina Anne, Pokwang, Angelica, at Papa P
- Imbes na umangat, bumaba pa ang tubig sa Angat Dam
- Ilog sa Antipolo, ‘bumula’
- Meyor , umamin nag-counterflow at sumalpok sa van
