Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko tungkol sa isang pekeng post sa social media na nagsasabing kontaminado ng human immunodeficiency virus (HIV) ang mga karayom na ginagamit sa blood tests.
Ayon sa DOH, pinabulaanan na rin ng Philippine National Police (PNP) ang mensaheng ipinakalat na may mga indibidwal umano na nagpakilala na miyembro ng isang ‘Faculty of Medicine’ na bumibisita sa mga bahay upang mag-alok ng blood sugar tests na kontaminado umano ang ginagamit na karayom ng HIV.
Pinatunayang isa lang itong scare tactic na walang katotohanang basehan, dagdag pa nito.
Hinihikayat naman ng DOH an publiko na huwag magbahagi ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng pagkabahala.
Pinaalalahanan ding kumuha lang ng mga impormasyon mula sa mga legitimate sources at platforms tulad ng ahensya.