Bilang paghahanda at pagtugon sa mga posibleng epekto ng Bagyong Inday sa bansa– ang Department of Health (DOH) ay nagdeklara na ng Code White Alert (CWA) ngayong araw.
Sa ilalim ng alert status na ito, ang DOH Operations Center ay nakaalerto 24/7 para sa mabilis na pagtugon sa mga apektadong komunidad.
Patuloy rin ang koordinasyon ng DOH sa National Disaster Risk Reduction Management Center (NDRRMC), local government units at regional disaster units.
Ayon sa DOH patuloy na nakaantabay ang DOH para matiyak ang mabilis na pagtugon at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng super typhoon Inday.
Ayon sa weather forecast ng PAGASA asahan na papasok sa Philippine area of responsibility ang bagyo na may international name na Bavi Martes ng gabi o Miyerkules.
====
Trending
- DOH nagpaalala sa gitna ng tag-ulan at sirit-kaso ng COVID sa QC
- Batas sa tax-refund sa dayuhang turista, pinagtibay ng SC
- Kings pinakawalan si DeRozan
- Obiena 4th place sa Greece tourney
- Pelikula re EJK, binigyan ng R-16 rating
- Chloe, kinaray sa travel ang Yulo brothers; Angelica, iniwan?
- Heart, iniyabang luxury bag at singsing kahit naospital
- Kakulangan ng HIV drugs sa Pinas, pinaiimbestigahan
