Muling nagpaalala ang Department of Energy (DOE) laban sa patuloy na kumakalat na pekeng balita kaugnay sa umano’y pagkakaroon ng “energy lockdown”.
Ayon sa DOE, may mga gumagamit ng logo ng kagawaran para magpakalat ng pekeng impormasyon, bagama’t una na raw silang nagbabala ay may mga nagpapakalat pa rin daw ng AI-generated videos.
Paglilinaw ng Energy Department, wala silang anumang ganitong anunsiyo.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng DOE ang publiko kabilang na sa mga kahina-hinalang link na maaari daw magdala sa mga hindi ligtas na websites.
Sa ngayon ay patuloy ang pagmomonitor ng kagawaran para matiyak na sapat at tuloy-tuloy ang supply ng enerhiya sa bansa.
Trending
- DUTERTE SA ICC: DOUBLE “BLACK-EYE”
- GRANDSLAM ROLLBACK NEXT WEEK SA OIL PRICE
- NU Nazareth panalo sa depensa ng titulo ng Shakey
- La Salle makakarating sa finals postseason
- Sang’gre, nag-last taping na
- Jayda, iniyakan si Darren
- Lotlot, ‘di umaten sa misa para kay Ate Guy
- OWWA humihingi ng dagdag na P12B budget
