Patuloy na naghahanap ng mga paraan ang Department of Energy (DOE) para madagdagan ang suplay ng kuryente sa Visayas sa kabila ng pagbuti ng reserve capacity ng rehiyon.
Sinabi ni DOE Secretary Sharon Garin na nakatulong ang muling pagpapatakbo ng Unit 3 ng Panay Energy Development Corp. (PEDC 3) upang mapalakas ang operating reserves ng Visayas grid at mabawasan ang rotational brownouts.
Gayunpaman, nananatiling mahina ang sistema nito matapos magdeklara ng yellow alert noong Hulyo 6 makaraan ang limang araw na walang aberya.
Patuloy na isinusulong ng ahensiya ang pagdaragdag ng generating capacity, lalo na mula sa renewable energy sources, upang matugunan ang lumalaking demand sa kuryente.
Dagdag pa ni Garin, susuportahan din ng DoE ang mga pamumuhunan sa transmission facilities at iba pang critical infrastructure upang mapatatag ang grid sa Visayas.
Samantala, mahigit 800 megawatts ng kapasidad ang nananatiling hindi magamit dahil sa forced outages at maintenance shutdowns ng ilang malalaking coal-fired power plants.
Trending
- Pacquiao exhibition fight sa huling bahagi ng taon
- 9 atleta sa 2026 Summer Youth Olympics
- Rabiya Matteo officially enrolled sa UST Medicine
- Ion ipinatattoo ang birthday ni Vice
- Heart Evangelista mas pinili ang pera vs kaibigan
- Reklamo ni Jasmine Curtis-Smith vs Topacio ibinasura
- Show cause order sa viral video
- Principal arestado sa pagpatay sa guro
