Itinanggi ni Senate President Alan Peter Cayetano nitong Huwebes ang mga paratang na ang nangyaring pagputok ng baril sa Senado noong Miyerkules ng gabi ay isang “diversionary tactic” para matulungan si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makaiwas sa posibleng pag-aresto.
Ayon kay Cayetano, “100 percent” na walang katotohanan ang alegasyon.
“I can tell you, honest to goodness, none of the senators who were here last night knew that that’s gonna happen, and the shots were fired from both sides,” ani Cayetano.
Samantala, kinumpirma ng Malacañang na nakalabas na ng Senado si Dela Rosa base sa impormasyon mula sa ilang source. Ayon din sa isang senador, umalis siya bandang 2:30 a.m.
Noong Miyerkules ng gabi, iniulat na may mga armadong lalaki na nagtangkang pumasok sa ikalawang palapag ng Senado ngunit pinigilan ng Office of the Sergeant-at-Arms. Ilang putok din ang narinig sa loob ng gusali.
Sa gitna ng insidente, sinabi rin ni Cayetano na sumasang-ayon siya sa panukala na magkaroon ng joint independent investigation sa nangyari.
“Let’s not jump into conclusions,” giit niya.
Si Dela Rosa ay may kinakaharap na arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng imbestigasyon sa war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Trending
- NBA player Brandon Clarke pumanaw @ 29
- Gold medalist sa taekwondo, nalunod
- Matet, tinawag na ‘kampon’, rumesbak
- Vico, wagi ng $1M grant!
- Lito, basted kay LT?
- DA nagpatupad ng import ban sa live animals, animal products mula Greece
- Benhur Abalos namumurong Justice secretary
- Jed Mabilog bagong DILG undersec
