Gumuho ang isang detour bridge nang daanan ng isang dump truck na kargado ng mabibigat na bato sa bahagi ng Kaliwet Bridge sa bayan ng Santo Domingo, Ilocos Sur nitong Sabado, Mayo 2.
Batay sa inisyal na ulat, nasa kalagitnaan ng pagtawid ang naturang sasakyan nang bigla na lamang bumigay ang istruktura ng pansamantalang tulay.
Pinaniniwalaang labis ang bigat ng karga ng truck na naging sanhi ng pagguho nito.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad upang tiyakin ang kaligtasan sa lugar at maiwasan ang karagdagang aksidente.
Sa ngayon, wala pang kumpirmadong ulat kung may nasaktan o nasawi sa insidente.
Pansamantalang isinara sa publiko ang nasabing bahagi ng kalsada habang isinasagawa ang clearing operations at masusing pagsusuri sa kalapit na mga istruktura.
Samantala, mahigpit na pinaalalahanan ng mga kinauukulan ang mga motorista at hauling companies na sumunod sa itinakdang load limits upang maiwasan ang kaparehong insidente sa hinaharap.
Trending
- Timberwolves at Knicks, umusad sa NBA Playoffs
- NU Nazareth-B, tinalo ang hamon ng UB na maghari sa Shakey’s Division 2
- Jane Oineza nabitin kay Joshua Garcia
- Resort ni Angelica, ginagamit sa scam
- Ronnie Alonte, kinasuhan mga invited sa kasal
- US Embassy nagbabala sa operasyon vs NPA
- DFA binabantayan ang asylum application ni Zaldy Co
- PBBM: Edukasyon, kayamanang hindi mananakaw
