Lubos ang pakikiramay Department of Education (DepEd) sa mga naulilang kaanak at kaibigan ng pumanaw na student-athlete na si Carl Niño Acosta.
“The Department of Education (DepEd) mourns the passing of Carl Niño Acosta, a student-athlete from Ilocos Norte National High School and a member of the Laoag City Athletic Association gymnastics team,” saad ng DepEd sa kanilang mensahe noong Biyernes, Mayo 1.
Anila pa, bilang student-athlete, si Acosta ay nagdala ng karangalan sa kaniyang paaralan at komunidad.
Sa kamakailang Region I Athletic Association meet, kinilala pa ng DepEd ang tatlong gold medals at dalawang bronze medals na nasungit ni Acosta, na resulta ng kaniyang determinasyon, disiplina, at pagmamahal sa sports.
Saad din ng DepEd, parte rin ito ng paghahanda ni Acosta na irepresenta ang Rehiyon I sa 2026 Palarong Pambansa na nakatakdang ganapin mula Mayo 24 hanggang 31.
“Carl Niño was a remarkable learner who brought pride to his school and community. In the recent Region I Athletic Association meet, he won three gold medals and two bronze medals, which is an achievement that spoke of his hard work, discipline, and love for the sport. He was preparing to represent Region I in the 2026 Palarong Pambansa,” pagkilala ng DepEd.
Anila pa, bukod sa mga medalyang nasungkit ni Acosta, magsisilbing alaala rin nito ang kaniyang pagiging ehemplo bilang mag-aaral, atleta, at kabataang puno ng pangarap.
“More than his medals, Carl Niño will be remembered for the example he set as a student, an athlete, and a young life full of promise,” saad ng DepEd.
Kaya ipinapaabot ng DepEd ang kanilang dasal at pag-alala kay Acosta kaniyang mga naiwang kaanak, kaibigan, coaches, at kamag-aral Ilocos Norte National High School bilang pakikiramay.
Samantala, bilang pakikiramay din ng DepEd Schools Division of Laoag City (SDOLC), tiniyak nilang magpapadala sila ng tulong sa naulilang pamilya ni Acosta.
Sa kasalukuyan, wala pang detalye tungkol sa sanhi ng pagpanaw ni Acosta.
Matatandaan namang isa pang student-athlete ang nasawi noong Abril 29, na binigyang-pagkilala at pakikiramay din ng DepEd.
Trending
- Sixers muling kinastigo ang Celtics
- DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng isang student-athlete
- Kathryn, engaged na
- lan, nagsalita na sa kasal ni Bea
- Derrick, plano nang magpatali!
- 4K magsasaka apektado ng matinding init sa Sarangani
- LTO: Walang blanket ban sa e-bikes, e-trikes
- Presyo ng gasolina, diesel tataas sa susunod na linggo
