Sa kabila ng pagiging handang-handa na ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng pasukan ngayong Lunes, Hunyo 8, mayroon pa ring kakulangan ng mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan na umaabot sa 144,000.
Ito ang inihayag sa Bagong Pilipinas ni Dr. Carmela Oracion, Undersecretary for Learning System ng DepEd.
Ayon kay Oracion, malalim ang problema sa learning facilities dahil marami pa ring kulang na classroom ang DepEd.
Mula aniya sa dating backlog na 165,000 ay naibaba ito sa mahigit 140,000 subalit hindi biro ang kakulangang ito para sa maayos na pag-aaral ng mga estudyante.
“Malalim po ang problema sa ating learning facilities, sa ating classrooms. Una, kulang tayo ng 165,000 classrooms pagkatapos naibaba natin ng kaunti iyan, nasa 140,000 plus na lang,” ani Oracion.
Sa ngayon, anang opisyal, ay agresibo ang kagawaran sa pagpapagawa ng classrooms at inaasahang maraming madadagdag na mga silid-aralan ngayong taon.
Karagdagang mahigit 21,000 na classroom aniya ang madadagdag pagsapit ng Abril 2027 dahil sinisimulan na ang konstruksiyon ng mga ito, bukod pa aniya sa mga ginagawang pagkukumpuni sa ibang mga paaralan na kailangang isailalim sa rehabilitasyon.
Trending
- Alex Eala kampeon sa Birmingham Open!
- Mahigpit na seguridad ipatutupad sa Game 3 ng NBA Finals
- Imelda Schweighart inamin na buntis nang lumaban sa MGI All Stars
- Aljur, bumili ng diamond ring para kay AJ
- Daniel, ibinida si Kaila sa IG; Grammar ng caption, kinuwestyon
- LINDOL ; HIGIT NANG 30 ANG PATAY
- Sen. Raffy: tawagin na lang ’18 kargador’ ang 18 ex-soldiers
- Sen. Raffy: tawagin na lang ’18 kargador’ ang 18 ex-soldiers

