Maglulunsad ang Department of Education (DepEd) ng active shooter drills sa mga eskuwelahan ngayong linggo.
Inanunsiyo ito ni DepEd Secretary Sonny Angara nitong Miyerkoles bilang bahagi umano ng pinalakas na school safety protocols matapos ang kamakailang insidente ng pamamaril na kinasasangkutan ng estudyante.
Ilulunsad aniya ang mga drill sa Biyernes upang turuan ang mga eskuwelahan ng tamang pagtugon sakaling magkaroon ng armadong pag-atake.
Hihingi rin umano ang DepEd ng tulong sa Philippine National Police (PNP) sa pagresponde sa dumaraming bomb threats, kabilang ang pag-inspeksiyon ng SWAT teams bago ibalik ang mga estudyante sa loob ng paaralan.
Binigyang-diin din ni Angara ang kahalagahan ng psychological first aid para sa mga mag-aaral, guro, magulang, at kawani ng eskuwelahan na naapektuhan ng mga insidente ng karahasan.
Trending
- Donovan Mitchell lumagda ng $273M max extension sa Cavaliers
- Alex Eala sasabak sa Mubadala DC Open
- Ryan Bang namigay ng tig-P100K sa PA, driver
- Alex, ibinuking na niligawan nina JLC at Papa P
- ‘Paglalandi’ ni Paolo sa beauty contestant, binisto
- Bonoan, ibinalik sa PNP General Hospital
- Titser, sumideline sa patulak ng droga
- Parak todas sa drug ops sa Cavite
