Nakapagtala na ang Department of Education (DepEd) ng 26 milyong enrollees para sa School Year 2026–2027, at inaasahang mas maraming mag-aaral pa ang mag-eenroll simula sa pagbubukas ng klase sa Lunes.
“As of Friday last week, we have close to 26 million learners who have already enrolled… alam naming mayroon pa ring mag-eenroll ngayong pasukan hanggang sa katapusan ng Hunyo,” ani DepEd Assistant Secretary Jocelyn Andaya.
Ayon kay Andaya, 26.4 milyon ang kabuuang bilang ng enrollees na inaasahan ng ahensya, halos kapareho ng nakaraang taon.
Paliwanag niya, ilang estudyante, lalo na ang senior high school students, ang hindi agad nakakapag-enroll dahil sa trabaho, habang ang iba naman ay mula sa probinsya.
Tiniyak din ng DepEd na handa na ang mga paaralan para sa pagbubukas ng klase, kabilang ang pagtiyak na malinis, maayos, at ligtas ang mga pasilidad.
Nauna nang nilinaw ng ahensya na tuloy ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 8, at peke ang kumakalat na impormasyon sa social media na ipinagpaliban ito.
Trending
- Gilas Girl inilampaso ang Thailand sa FIBA U18 SEABA Qualifiers, 86-48
- US President Trump manonood ng NBA Finals, fan ng Knicks
- Matteo, may problema sa show
- Queenie, tapos na ng senior high; Pacman, proud parent!
- Pooh, nabudol ng P7M
- Legarda: Iligal, labag sa Konstitusyon pagbabago ng Senate leadership
- Luistro naniniwala sa kakayahan ni Gatchalian
- Tulfo, humingi ng paumanhin sa Cayetano bloc
