Hinamon ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na magpakalalaki at harapin ang kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC).
Ginawa ni De Lima ang pahayag matapos magpakanlong sa Senado si Dela Rosa matakasan ang kanyang pananagutan sa pagkamatay ng libo-libong Pilipino na pinatay sa kanilang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Sana po igalang niyo po yung proseso at yun na nga meron warrant of arrest. So huwag na po kayo mag-resist. Be man enough,” mensahe ni De Lima sa Senado na kapwa akusado ni Duterte sa kasong crimes against humanity sa ICC.
Gayunpman, naniniwala ang mambabatas na malapit nang mapanagot si Dela Rosa na kabilang aniya sa nagkait ng due process sa mga biktima ng war on drugs.
“Sinisingil na ng pananagutan ang mga nagmataas at nagkait ng due process sa pagpaslang ng libo-libong Pilipino. Nalalapit nang makamit ang hustisya para sa mga naulila at biktima,” ayon pa sa lady solon.
Sa kabilang dako, ipinaalala naman ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno ang ruling ng Korte Suprema na sinuman ang tumatakbo sa kanyang kaso ay pag-amin na guilty ang mga ito sa mga akusasyon laban sa kanila.
Ginawa ni Diokno ang pahayag matapos takbuhan ni Dela Rosa ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagkatakang isilbi ang arrest warrant ng ICC laban sa kanya na naging dahilan kaya halos nasubsob ito sa hagdan dahil sa pagtakas.
“Ba’t mo tinatakbuhan ang batas, Sen. Bato? Sabi ng ating Korte Suprema: “Flight is a silent admission of guilt.” Si Leila de Lima, hinarap ang kanyang mga kaso. Hindi nagtago kahit nakaupo siyang Senador noon. At sa huli, napawalang-sala siya. Kaya kung walang tinatago, harapin ang proseso,” ani Diokno.
Trending
- LeBron, Lakers dinispatsa ng Thunder
- Nationwide drive kontra-lunod pinalakas ng PSC
- Erik Santos todo suporta sa pagka-ina ni Angeline Quinto
- Winwyn, role model bilang Reyna Elena
- Alex, pinagdarasal ng friends na buntis na
- Lahat ng legal remedies, gagawin ng kampo ni Sen. Bato
- Lahat ng legal remedies, gagawin ng kampo ni Sen. Bato
- Peter Haynes bagong abogado ni ex-Pres. Duterte sa ICC
