Nahaharap ang 57-anyos na lalaki sa kasong panggagahasa nang maaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa isinagawang operasyon, Sabado ng hapon.
Kinilala ang naaresto na si alyas Lucas, isang retiradong miyembro ng Philippine National Police (PNP), may asawa, at kasalukuyang residente ng Brgy. Kiling Norte, Batac, Ilocos Norte at tubong Brgy. Tallag, Cabagan, Isabela na binansagang No. 2 City Most Wanted Person ng Batac, Ilocos Norte kaugnay ng kasong Rape.
Sa ulat, 2:15 ng hapon nitong April 4, 2026 nang maaresto ang suspek sa loob ng Camella Homes Subdivision, Brgy. Larion Alto, Tuguegarao City, Cagayan.
Pinangunahan ang operasyon ng Cabagan Municipal Police Station (MPS) bilang lead unit, katuwang ang RIU2-PIT Isabela East, Provincial Intelligence Unit (PIU), at 201st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2).
Isinagawa ang pagdakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Oktubre 14, 2024 ng Acting Presiding Judge ng Family Court, First Judicial Region, Branch 6 sa Batac, Ilocos Norte. Nakasaad sa nasabing kautusan na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Sa oras ng pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabagan MPS ang suspek habang inihahandang i-turnover sa hukuman na naglabas ng warrant.
Trending
- Heat index matinding matindi sa 2 lugar
- 30 points ni LeBron nasayang vs Mavs
- Mark Magsayo wagi via TKO kontra Irish foe
- Mark at Nicole, magdyowa pa rin
- Maine at Arjo, ‘di hiwalay
- Bea Alonzo nagdadalang tao kaya minadali ang pagpapakasal?
- OVP, nagpatupad ng flexible work setup sa gitna ng fuel crisis
- Serbisyong pangkalusugan ng DOH, hatid sa OFWs
