Sumuko ang isang dating pulis na itinuturong lider ng serye ng panghoholdap sa mga Alfamart convenience store sa Calabarzon.
Sa ulat ng Calamba City Police Station, kinilala ang suspek sa alyas Randolph, 41-anyos, isang dating miyembro ng Philippine National Police, kasama ang kanyang kasabwat na si alyas Phobet, 29-anyos.
Ayon sa imbestigasyon, sangkot umano ang dalawa sa magkasunod na holdapan sa dalawang sangay ng Alfamart sa San Juan, Batangas—ang Laiya Aplaya branch at Nagsaulay branch na naganap 7:35 hanggang 7:45 ng gabi noong Abril 15.
Kinabukasan, 6:10 ng umaga, isinagawa ang follow-up operation kung saan nakipag-ugnayan ang San Juan Municipal Police Station sa Calamba CPS, na nauwi sa boluntaryong pagsuko ng mga suspek.
Sa ngayon, inihahanda na ang kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek sa Office of the Provincial Prosecutor sa Batangas City.
Inaalam pa rin kung sino-sino pa ang mga miyembro ng grupo at mga kasabwat sa sunod-sunod na holdapan sa mga sangay ng convenience store sa maraming lugar sa Laguna, Cavite, Batangas at Quezon.
Patuloy ang paalala ng pulisya sa publiko na maging mapagmatyag at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar
Trending
- Pinas, magho-host ng 2026 Asia and Oceania Sambo Championships sa Hunyo
- Alex Eala, handa na para sa Madrid Open WTA 1000
- Enchong Dee ibinunyag masamang karanasan sa Air France
- Charlie Puth magko-concert sa ‘Pinas
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Crime gang leader todas sa engkuentro sa Isabela
- Lider ng Magsanoc group patay, 2 huli sa engkuentro
- 2 katao patay sa sumabog na acetylene tank
