Aabot sa 15 katao ang inaresto habang 36 na financial accounts ang na-intercept sa magkakaugnay na anti-cybercrime operations sa buong bansa mula Abril 1 hanggang 15, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa ulat, sangkot umano ang mga suspek sa ilegal na pagbebenta ng financial accounts tulad ng ATM cards at e-wallet accounts.
Isinagawa ang operasyon ng iba’t ibang cybercrime units ng PNP sa buong bansa, kabilang ang Regional Anti-Cybercrime Units at City at Provincial Cyber Response Teams.
Kakasuhan ang mga suspek sa ilalim ng Republic Act No. 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act, kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175).
Ayon sa PNP, layunin ng operasyon na palakasin ang laban sa cyber-enabled financial crimes at protektahan ang publiko laban sa online scams.
“Cybercrime continues to evolve and remains a serious threat to public trust in digital financial systems,” ayon sa pahayag ng PNP official na si Nartatez.
Trending
- HDO GRAND SLAM : ROMUALDEZ, ESCUDERO, NGU BAWAL SA ABROAD
- BAGETS BASTED, NAG-SUICIDE
- CYBERCRIME:15 ARESTADO
- POLITIKA DI MASIKMURA, BINOE LALAYAS SA PINAS
- Lakers, pinadapa ang Rockets sa overtime, 112-108
- Alex Eala, Zeynep Zonmez lusot na sa unang round
- Mark, inamin hiwalay at balikan nilang mag-asawa
- Maymay, in-unfollow sina Donny at Kyle!
