Pinag-aaralan na ng Akbayan Reform bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na patawan ng kriminal na pananagutan ang mga pabayang gun owners lalo na kung nagamit ang kanilang armas sa krimen.
Ito ang napag-alaman kay Akbayan party-list Rep. Chel Diokno kasunod ng pamamaril ng dalawang estudyante sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinamatay ng tatlong mag-aaral at pagkasugat ng 20 iba pa.
Base anya sa mga report, ang Glock 17 na ginamit ng 14 anyos na suspek ay service firearms ng kanyang tiyahin na pulis habang ang .38 caliber revolver ay nakarehistro umano sa isang security agency sa Cebu kung saan dating nagtrabaho ang kanyang Lolo.
“While our firearms law is comprehensive, we can still strengthen its enforcement and close existing gaps. We must ensure that the law effectively prevents unauthorized access to firearms, especially by children. There should also be penalties for those who allow this to happen,” ani Diokno.
Dahil dito, kailangan umanong amyendahan ang Republic Act (RA) 10591 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act dahil sa ngayon ay walang criminal liability ang mga may-ari ng baril kapag nagamit ito ng iba sa paggawa ng krimen.
Sinabi ni Diokno na sa ilalim ng kasalukuyang batas, administrative sanctions lamang ang ipinapataw sa mga pabayang gun owner tulad ng pagbawi, pagsuspendi at pagkansela sa kanilang lisensya o permit.
“In addition, the law does not expressly impose criminal liability for negligence in safekeeping that enables unauthorized persons, including minors, to gain access to firearms,” ayon pa kay Diokno.
Dahil dito, iginiit nito kasama sina Akbayan Party-list Reps. Percival Cendaña at Dadah Kiram Ismula at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao na amyendahan ang nasabing batas para magkaroon ng criminal liability ang mga pabayang gun owners.
“Responsible gun ownership does not end with obtaining a license. It includes the duty to keep firearms secure at all times. When that duty is ignored and lives are put at risk, the law must impose real accountability,” ayon pa kay Diokno.
Trending
- Germany vs Paraguay: Mag-aagawan ng puwesto sa Round of 16
- Jimmy Alapag, itinalagang bagong head coach ng NLEX
- Wax figure ni Kathryn, ia-unveil na
- Mother ni Eman, rumesbak sa mga bashers
- Maricel at Anthony, pinuri sa pagpapalaki kay Donny
- Criminal liability ng pabayang gun owners inuumang na
- Bonoan isa sa mga may malaking pananagutan sa korapsiyon sa DPWH
- Flood-control case vs Chiz, posibleng maisampa sa 2-3 linggo
