tesssssstt

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagbaba ng crime rate sa Lungsod Quezon noong nakalipas na taon.
Mula sa 2,367 noong taong 2023, bumaba ang insidente ng krimen sa 1,847 noong 2024, may pagbawas ng 520 insidente o 21.97%.
Ayon kay QCPD Acting District Director PCOL Melecio Buslig, Jr. kabilang sa mga krimen na nakitaan ng pagbaba ang physical injuries; rape; robbery at theft.
Maging ang pagnanakaw ng mga motorsiklo ay nagpakita din ng bahagyang pagbaba.
Dahil dito, nakamit ng QCPD ang Crime Clearance Efficiency (CCE) rate na 99.62%.

 

Share.