Kinasuhan ng cyberlibel si dating Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ng Manila Prosecutors Office  (MPO) at inihain sa Manila Regional Trial Court (MRTC).
Kaugnay ito ng reklamo ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano dahil sa post ni Barzaga sa social media.
Matatandaan na inakusahan ng dating kongresista na tumatanggap umano ng suhol mula kay business tycoon Enrique Razon Jr., ang mga miyembro ng National Unity Party (NUP), na dating kinabibilangan din niya kapalit ng pagsuporta sa speakership ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Pinanigan ng MPO ang reklamo ni Valeriano at sinabing mapanirang-puri ang mga post ni Barzaga na mabilis na kumalat online.
Inirekomenda ng MPO sa korte ang P10,000 na piyansa para sa dating kongresista..

Share.
Exit mobile version