Magiging pinakamahabang iprepresenta ang umano’y misuse ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte mula sa apat na articles of impeachment, ayon sa prosekusyon.
Ito ay dahil dalawang tanggapan umano ang saklaw dito, ang Department of Education, na dating pinamunuan ni VP Sara at ang Office of the Vice President.
Ayon sa prosekusyon, ang Article I ay nakatuon sa P612.5 milyong confidential funds na nagmula sa Office of the Vice President (P500 milyon) at DepEd (P112.5 milyon) kung saan siya ang kalihim dati.
Dahil sa money trail na kinasasangkutan ng dalawang ahensya, aabutin ito ng hindi bababa sa 31 araw sa kabuuang 62 na araw ng paglilitis, na katumbas ng halos kalahati ng kanilang inilaang panahon para sa lahat ng mga reklamo.
Ayon kay House prosecution legal spokesperson Benjamin Tolosa Jr., maraming mga dokumento ang sangkot dito gayundin ang mga testigo na kailangang marinig para ipaliwanag ang buong proseso kung paano ginastos ang mga pondo hanggang sa liquidation na isinumite sa Commission on Audit (COA).
Subalit, sinabi rin ng prosekusyon na susubukan nilang paikliin ang presentasyon sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga testigo sa oras na mapatunayan ang mahahalagang punto, gaya ng ginawa sa grave threats articles, kung saan nasa anim na testigo ang tinanggal.
Sinabi naman ni House prosecutor Rep. Terry Ridon, maaari nang simulan ng prosekusyon ang pagpresenta ng confidential funds sa Miyerkules, sa oras na makumpleto na ang direct at cross examination kay NBI Director Melvin Matibag sa Martes.
======
Trending
- Blu Girls ginulat ang No. 3 Puerto Rico
- Ateneo nagpamisa para kina Baterbonia, Adili
- Zsa Zsa, ginunita ang 14th death year ni Dolphy!
- Mariel, nagsuot ng doctoral regalia sa graduation
- Ate Gay, nakitaan uli ng bukol sa leeg, naagapan
- Mas mataas na reputasyon ng mga marinong Pilipino
- Pilipinas umangat sa global startup rankings
- Saging nagpatibay sa export sa New Zealand
