tesssssstt

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa talamak na mga poster at iba pang propaganda materials ng mga kandidato, wala pang isang buwan bago ang opisyal na pgsisimula ng campaign period para sa May 2025 elections.

Bagama’t nagsimula na ang nationwide gun ban nitong Enero 12– ang 90 araw na kampanya para sa national candidates para sa mga senatorial at party-list ay hindi pa magsisimula hanggang Pebrero 11 at magtatagal hanggang Mayo 10.

Habang ang 45 araw na kampanya para sa lokal na kandidato ay mula Marso 28 hanggang Mayo 10.

Gayunman, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang promotional materials ay itinuturing na legal dahil ang mga indibidwal na tumatakbo para sa midterm elections ay itinuturing pa ring aspirants at hindi mga kandidato sa ngayon.

Aminado naman si Garcia na walang kaparusahan para sa mga maagang nangangampanya.

Share.