Target ng National Water Resources Board (NWRB) ang posibleng cloud-seeding operation sa Angat Watershed kasabay ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ang naturang dam ang pinagkukunan ng inuming tubig sa Metro Manila na mababa na sa minimum operating level na 180 metro.
Nitong Biyernes, Mayo 15, sa rekord ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nakita na ang water elevation ng Angat Dam ay bumaba na sa 178.55 metro, o 1.45 metrong mas mababa sa minimum operating level nito.
Para mapunan ang mga nawalang tubig sa Angat Dam, sinabi ni NWRB executive director Sevillo David Jr. na nakikipag-usap na ang board sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration sa posibilidad ng cloud-seeding operations sa Angat Watershed.
Ani David, inaasahang mapapalala pa ng El Nino ang patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam.
Trending
- Mike Phillips, pumirma na sa Kyoto Hannaryz
- Pacquiao-Mayweather rematch record-breaking event pa rin
- Awra, nirampa na ang operaadang ilong
- Rhian, flinex ang tattoo sa puwet
- Richard at Barbie, aayuda sa Bicol
- Lacson umaray sa banat na nadobleng yaman
- ‘Forgiveness clause’ sa rape cases sa Penal Code, ipinatatanggal
- Beripikasyon ng DPWH sa Taguig, kinuwestiyon
