Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang clearing operations at traffic assistance sa mga apektadong lugar sa Bicol Region.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na siguruhing madaraanan ng mga motorista at residente ang mga pangunahing kalsada na natambakan ng makapal na ashfall dulot ng pagsabog ng bulkang Mayon.
Personal ding pinuntahan ni Secretary Vince Dizon ang clearing operations ng DPWH sa Camalig-Guinobatan Road sa Maharlika Highway upang matiyak na maayos na itong madadaanan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DPWH sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para sa pagtutulungan sa operasyon at agarang aksyon.
Samantala sinabi ni Dizon na para matiyak na ligtas ang mga residenteng apektado ng pagsabog ng bulkan at para sa mabilisang pagtugon ay tuluy-tuloy na ang deployment ng mga heavy equipments at mga tauhan sa iba’t-ibang kalsada sa Albay, partikular sa mga labis na naapektuhan ng ashfall.
Trending
- Lacson umaray sa banat na nadobleng yaman
- ‘Forgiveness clause’ sa rape cases sa Penal Code, ipinatatanggal
- Beripikasyon ng DPWH sa Taguig, kinuwestiyon
- China kinondena sa Senado vs pananakit sa PN personnel sa Ayungin Shoal
- Pasay LGU ‘highly-compliant’ sa 2025 Manila Bay Clean-up
- P85 wage hike sa NCR walang suspensyon, tuloy-tuloy
- Marcoleta hiniling makaboto sa impeachment
- Salceda, itinalagang Kalihim ng PLLO
