Nagpulong si Chinese President Xi Jinping at si Kuomintang (KMT) Chairperson Cheng Li‑wun noong Abril 10, 2026 sa Great Hall of the People sa Beijing.

 Ito ang kauna‑unahang pagbisita ng isang lider ng KMT sa China sa loob ng isang dekada.

Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, naglabas ang Beijing ng 10 bagong hakbang upang palakasin ang ugnayan sa Taiwan. Kabilang dito ang:

Pagbabalik ng pilot program para sa individual travel mula Shanghai at Fujian patungong Taiwan.

Buong pagbabalik ng direct flights mula sa Taiwan patungong Urumqi, Xi’an, Harbin, Kunming, at Lanzhou.

Pagpayag sa pag‑angkat ng Taiwanese dramas, documentaries, at animations, basta’t “wholesome at tama ang oryentasyon.”

 “Ang pangkalahatang trend ng mga kababayan sa magkabilang panig ng Strait na mas nagiging malapit at nagkakaisa ay hindi magbabago, ”wika ni XiJin Ping.

Si  Cheng Li‑wun ay Nanawagan sa kabataan na “iwasan ang digmaan” sa pamamagitan ng pagtutol sa Taiwan independence.

Simula pa noong 2016, pinutol ng Beijing ang high‑level contact sa Taiwan matapos manalo ang Democratic Progressive Party (DPP) na tumatanggi sa claim ng China na ang Taiwan ay bahagi ng kanilang teritoryo.

Ang pagbisita ni Cheng ay tinutulan ng ilang sektor sa Taiwan na nagsasabing masyado siyang pro‑Beijing.

Sa kabila ng mga hakbang na ito, patuloy pa rin ang military pressure ng China sa paligid ng Taiwan, kabilang ang halos araw‑araw na paglipad ng fighter jets at warships.

 

Share.
Exit mobile version