Iginiit ni negosyante at dating gobernador ng Ilocos Sur na si Luis ‘Chavit’ Singson na ang kasong cyber libel laban sa kanya ay bahagi umano ng pagtatangkang siraan at takutin siya dahil sa kanyang panawagan na imbestigahan ang umano’y anomalya sa mga flood control project.
Inaresto nitong Huwebes ng hapon, Hunyo 11 ang dating Ilocos Sur governor na si Singson kaugnay ng kasong cyber libel.
Isinagawa ang pag-aresto kay Singson ng mga operatiba ng Eastwood Police Station (PS-12) sa kanyang bahay sa Barangay Ugong Norte, Quezon City.
Kaugnay ito ng warrant of arrest na inisyu ni Vigan City Regional Trial Court Branch 21 Presiding Judge Marie Gene Cecille Umali.
Naglagak ng P60,000 piyansa si Singson para sa pansamantala niyang kalaya.
Hindi pa batid ang pinag-ugatan ng kinakaharap na kaso ng dating gobernador.
Ngunit nito lamang Mayo, sinabi ni Singson na 5,500 na flood control project na binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos na natapos ay umano’y mga “ghost project”.
Tinutukoy ni Singson ang pahayag ng Pangulo sa State of the Nation Address noong 2024, kung saan sinabi na humigit-kumulang 5,500 na flood control project ang natapos na sa buong bansa, kasama ang iba pang katulad na mga proyektong imprastraktura, bilang bahagi ng paghahanda sa malalakas na pag-ulan kaugnay ng La Niña.
“As I intensified my calls for a full investigation into the flood control controversy and sought answers regarding the use of flood control funds intended to protect Filipino communities from flooding, efforts to discredit and intimidate me soon followed,” ayon kay Singson.
Gayunman, itinanggi ni Singson na inaresto siya sa kanyang tahanan at sinabing kusa siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang magpiyansa.
“What should have been a routine legal proceeding was an attempt to publicly humiliate me through the unauthorized circulation of my booking photograph,” aniya.
Kinuwestiyon din niya ang umano’y mga hindi pangkaraniwang pangyayari sa kaso, kabilang ang pagtalaga ng isang hukom na wala sa kanyang lalawigan at ang bilis ng pag-usad ng proseso.
“If asking where the people’s money went and who benefited from it is enough to earn a cyber libel case, then it only proves that these questions are hitting where they hurt most,” dagdag niya.
Sabi pa ni Singson: “Hindi ba kapansin-pansin na habang lumalabas ang mga detalye ng korapsyon, ang mga nagsasalita tungkol dito ang siyang pinatatahimik at sinasampahan ng kaso?”
“I will not be silenced. No arrest, no case, and no amount of political pressure will stop me from pursuing the truth and uncovering who the real mastermind is behind this scandal,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na detalye tungkol sa cyber libel case, kabilang ang pagkakakilanlan ng naghain ng reklamo.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel
