Laglag-balikat na babalik ng ‘Pinas si Charly Suarez na hindi maiuuwi ang World Boxing Organization junior lightweight title, natikman ang 8th round technical decision loss kay champion Emanuel Navarete ng Mexico nitong Sabado Pechanga Arena sa San Diego, California.

Naging kontrobersiya ang hatol ng ring physician na accidental headbutt ang pagputok ng kaliwang kilay para ihinto ang laban sa simula ng round 8 at ibigay ang panalo sa duguang Mexican.

Ayaw umampat ang dugo sa kilay na pinaniniwalaan ng kampo ng Pinoy na kaliwang straight ni Suarez ang sanhi kaya giniit agad ang paghirit ng rematch sa lalong madaling panahon sa handler ng kampeon.

Sampa sa 40-2-1 (win-loss-draw) na may 32 knockouts ang ring record ni Navarrete samantalang laglag si Suarez sa 18-1-0 (10 KOs).

Kumbinsido rin si Suarez na mga sapak niya ang nagpaputok sa kilay ng Mehikano kaya sobrang dismayado sa kontrobersiyal na kabiguan.

“When I do the southpaw, I hit him with the right straight,” bulalas ni Suarez. “Right now, I’m sad, but it’s part of the game, and I know that Navarrete did his effort to win the fight, but this is part of the game, and I want a rematch with him.”

Share.