Itinulak ni House Deputy Minority Leader at Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang agarang pagpasa ng House Bill No. 6677 o panukalang EJK Victims Recognition and Reparation Act.
Ayon kay Cendaña, layunin ng kanyang panukala na lumikha ng isang komisyon na mag-iimbestiga sa mga pagpatay at paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng war on drugs campaign ng administrasyong Duterte at bigyan ng kompensasyon ang mga biktima at kanilang pamilya.
Nauna rito, inilunsad ang independent at civilian-led na Truth and Reconciliation Commission upang paimbestigahan ang mga pagpatay sa anti-drug campaign ng Duterte administration.
“I hope this initiative led by human rights groups, the Church, and civil society will spur Congress to fast-track the passage of the EJK Victims Recognition and Reparations Act. Pangunahing tungkulin dapat ito ng gobyerno. Kailangan may pormal na imbestigasyon sa naganap na war on drugs,” sabi ni Cendaña.
“This civilian-led independent body can work in parallel with the State’s efforts to uncover the truth, deliver justice, and promote reconciliation over one of the darkest chapters in our nation’s history — Duterte’s war on drugs,” dagdag pa ng solon.
Ang Truth and Reconciliation Commission ay pamumunuan ni dating International Criminal Court (ICC) judge Raul Pangalangan at makakasama niya ang mga human rights advocate, trauma specialist, at forensic experts. Si Caloocan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ay magsisilbi namang adviser ng komisyon.
Ayon kay Cendaña mahalaga na matiyak na hindi na mauulit ang Duterte drug war campaign.
“Future generations should never again be subjected to the kind of violence and dehumanization we witnessed under the Duterte war on drugs,” dagdag pa ni Cendaña.
Sa ilalim ng HB 6677 ay itatayo ang Truth and Reconciliation Commission on Extra-Judicial Killings upang imbestigahan ang mga paglabag sa karapatang-pantao at mga pagpatay sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang at war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Lilikhain din ang EJK Victims’ Memorial Board na siyang mangangasiwa sa pagtatayo ng isang memorial o museo para sa mga biktima ng anti-drug campaign.
Trending
- NCR, lumaki pa ang lamang sa mga katunggali sa Palarong Pambansa; 20 golds na ang bitbit
- 15-anyos na Pinoy nambasag ng world record sa speedcubing
- Matteo, bumisita sa Pag-asa Island, nakipag-boodle sa mga sundalo!
- Anak ni Dennis, naaksidente
- PBBM, tutol sa online voting ng mga senador
- Villafuerte brothers umapela sa Senado na ipasa bagong building code
- Pagkalat ng Ebola sa DR Congo maaaring mapigilan – WHO
- PCG planong bumili ng 56 dagdag na barko
