Dahil maraming Pilipino ang hindi umaabot sa 100 taon sa mundo, muling aamyendahan ang Republic Act (RA) 11982 o Centenarians Act upang mabigyan na ng mas malaking cash benefits pagtuntong ng 70-anyos at 75-anyos.
Ito ang nakapaloob sa House Bill (HB) 9170 na ihinain ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima dahil sa ngayon ay tanging ang 80-anyos pataas ang nabibigyan ng cash benefits.
“Our existing laws rightfully seek to honor the Filipino elderly who reach the milestone ages of 80, 85, 90, 95, and 100 by providing them with cash benefits. However, most of our countrymen do not live long enough to receive these benefits. Even when they do, they are often no longer able to fully enjoy them,” paliwanag ni De Lima sa kanyang panukala.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, makakatanggap ng P10,000 na cash benefits ang mga Pilipino na pagtuntong ng mga ito sa edad 80, 85, 90 at 95 at P100,000 kapag umabot ang mga ito sa edad 100.
Dahil dito, iginiit ni De Lima na aamyendahan ang nasabing batas kung saan kapag umabot sa 70 anyos ang isang Pilipino ay makakatanggap na ito ng P25,000 at pagdating ng 80 anyos ay bibigyan ang mga ito ng P50,000 at P75,000 sa kanilang ika-90 taong kaarawan.
Ginawa ng mambabatas ang panukala dahil base aniya sa Philippine Institute of Development Studies (PIDS) na inilabas noong Pebrero 2021, ang life expentancy ng mga Pilipino ay 70 anyos lamang.
Inireport din aniya ng World Health Organization (WHO) noong 2021 ang over all life expentancy ng isang Pilipino ay 66.4 anyos lamang kung saan 69.9 anyos kapag babae at 63.4 kapag lalake.
“Our elders deserve better service, protection and support from our government and society through policies that are truly responsive to their needs and concerns. Aanhin pa nila ang mga benepisyo kung hindi naman na nila ito mapapakinabangan?” ani De Lima.
“Our senior citizens are already at the stage of their life where care and comfort matter most. Huwag na nating ipagdamot o ipagkait ang mga benepisyong kaya nang ipagkaloob ng Estado sa kanila bilang pagpapahalaga at pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa ating lipunan,” dagdag pa ng mambabatas.
Trending
- Zaide hinirang na reyna ng Ladies Masters sa 58th MTBA Open
- Medalya sa Karate One-Youth League mailap sa Pilipinas
- Pahaging ni Catriona: ‘Leaders are elected to serve the people — not to be worshipped!’
- Lara Quigaman pinuri sa paglalantad ng mga puting buhok
- Ai Ai delas Alas hindi pantay ang paa
- Declogging ops sa mga pangunahing kalsada, muling isinagawa ng DPWH
- P1B agri-transformation inilunsad ng PH, world bank, UK
- Sirit-presyo sa diesel, gasolina nakaumang
