Muling nasungkit ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa floor exercise ng 2025 Asian Gymnastics Championships sa Jecheon, South Korea.

Pinangunahan ni Yulo ang walong finalist, kung saan nagtala siya ng pinakamataas na puntos na 14.600.

Pumangalawa naman si Milad Karimi ng Kazakhstan na may 14.400, habang pangatlo naman si Moon Geonyoung ng South Korea na may 14.033.

Ito na ang ika-apat na gintong medalya ni Yulo sa floor exercise, matapos magwagi noong 2022, 2023, at 2024.

Ito rin ang kanyang ikalawang medalya ngayong taon matapos masungkit ang bronze sa individual all-around noong Hunyo 5.

Share.