INILUNSAD ng Commission on Elections (Comelec) ng dalawang araw na espesyal na rehistrasyon para sa mga Katutubong Pamayanan (IPs) ng Bulacan bilang paghahanda para sa nalalapit na halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan.
Ayon kay Atty. Mona Ann Aldana-Campos, election supervisor ng Comelec sa Bulacan, noong Linggo, Agosto 3)ay nagparehistro ang mga Dumagat sa Bulacan sa Sitio I Talamsi, Barangay Kalawakan, bayan ng Doña Remedios Trinidad, at sa Agosto 8 naman sa Tribal Hall, Barangay San Lorenzo, Norzagaray.
Ang kick-off ceremony para sa rehistrasyon ng mga Katutubo sa Central Luzon ay isinagawa noong Biyernes sa Sitio Monkayo, Barangay Calumpang, Lungsod ng Mabalacat, Pampanga, ayon kay Attorney Elmo Duque, assistant regional director at tagapagsalita ng Comelec Central Luzon.
Kinakailangan ng mga botante mula sa IP community na magpakita ng valid ID mula sa pamahalaan upang makapagparehistro.
Nagsagawa muna ang mga Katutubo ng mga ritwal tulad ng pag-aalay ng panalangin ng kanilang kultura, pag-awit ng Lupang Hinirang ng mga lider ng IP, at isang “Katutubong Pagtanggap sa mga Panauhin” mula sa kabataang Katutubo.(MLazaro)

www.youtube.com/watch?v=1zvNZVEH560
www.youtube.com/watch?v=C660C7Rjmu0 (saktoradiotv)
www.youtube.com/watch?v=N9Nc_cKIqrQ (bandilaradiotv)
www.youtube.com/watch?v=26bS-Px88qg (diariotagalogradiotv)

Share.