HINDI na isasagawa ng hiwalay na imbestigahan ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa nawawalang pondo ng persons deprived of liberty (PDLs) sa Correctional Institution for Women (CIW) dahil nakagawa na ng kaukulang aksyon sa usapin ng nawawalang pondo ng PDLs sa CIW, batay sa Bureau of Corrections (BuCor) nitong Miyerkules, Setyembre 2.
Isang dayalogo ang isinagawa sa pagitan ng BuCor, CIW, at CHR sa tanggapan ng CIW sa Mandaluyong City, kung saan nagpahayag si Atty. Kathleen Kindipan, Attorney IV ng CHR-National Capital Region, Commission on Human Rights (CHR)-NCR, sa ginanap na dayalogo sa pagitan ng mga kinatawan ng BuCor, CIW, at CHR sa opisina ng CIW sa Mandaluyong City.
Hiniling ang dayalogo ng CHR para alamin kung kailangan pa ng imbestigasyon.
Ayon kay Kindipan na wala pang natatanggap na pormal na reklamo ang CHR laban sa CIW, kundi mga anonymous report lamang.
Idinagdag pa niya, wala pang natukoy na paglabag sa pa karapatang pantao dahil sinimulan na ng pamunuan ng BuCor ang imbestigasyon at isinailalim sa floating status ang mga opisyal at empleyadong umano’y sangkot upang hindi maimpluwensyahan ang nagpapatuloy na pagsisiyasat.
“There may be a violation only if there is inaction. For now, we will monitor the case, request updates, and make recommendations regarding the system for handling PDL funds,” ani Kindipan.
Ayon naman kay BuCor Deputy Director General for Administration Asec. Al Perreras, na malugod nilang tinatanggap ang pagbisita ng CHR at inanyayahan na makilahok sa imbestigasyon upang maipakita na walang itinatago ang BUCor.
Siniguro ni Orreras sa CHR na magsasampa din ng kasong kriminal, bukod sa administratibo, laban sa mapapatunayang responsible sa pagkawala ng pondo ng PDLs.
“The axe will fall because we do not want the changes we have started in BuCor to go to waste because of this incident. We will get to the bottom of this without fear or favor,” sabi ni Perreras. (Gina Garcia)
