Bigo si Brooke Van Sickle at ang Alas Pilipinas Women na maiuwi ang tansong medalya matapos na mabigo sa kuwestiyonableng laban kontra Chinese Taipei, 17-25, 24-26, 22-25, sa 19th VTV Ferroli International Women’s Volleyball Cup sa Vinh Phuc Gymnasium sa Vinh Phuc, Vietnam.

Ito ay matapos na mangyari sa pinakakrusyal na situwasyon sa pangatlong set, kung saan nakakalamang ang Alas Women sa iskor na 23-22 nang mangyari ang pagtawag ni national coach Jorge Souza de Brito na video challenge para sa block touch.

May pagkakataon sana ang Alas Women na maitulak pa ang laro sa pang-apat na set subalit binawi ang dapat na iskor para sa Pilipinas na agad na inireklamo ni De Brito upang maging dahilan para mabigyan ito ng yellow card.

Una nito ay nagpilit ang Alas Women na makabawi sa pangalawang set mula sa pagsisikap nina Van Sickle, Tia Andaya at Mar Jan Phillips na nakipagpalitan ng puntusan sa mga Taiwanese bago tuluyang nagtamo ng error na naghulog dito sa paghahabol sa dalawang set, 0-2.

Isinagawa naman ng Alas Women ang pagbangon mula sa paghahabol sa 18-21 upang makapitan ang 22-21 na abante bago ang naganap na kontrobersiyal na video challenge.

Matagal na pinagdiskusyunan ang naganap na video challenge, kung saan nakalagay ang “yes” subalit binaligtad ang iskor at napunta sa mga Taiwanese ang iskor pati na ang service.

Bunga nito ay tuluyan nang nadismaya ang Alas Women na hindi na nagawang itabla ang iskor at nahayaan ang mga Taiwanese na maagaw ang huling dalawang puntos para angkinin ang tansong medalya.

Share.