Mariing ipinaalala ng Department of Education (DepEd) sa publiko na hindi obligadong mag-abono ang mga guro, mag-aaral, at magulang sa Brigada Eskwela bilang paghahanda ng mga paaralan sa darating na pasukan.
Ayon sa inilabas na pahayag ng DepEd nitong Biyernes, Hunyo 5, binanggit nila na mahigpit nilang ipinatutupad ang “No Collection Policy” o polisiyang nagbabawal sa sapilitang paghingi ng kontribusyon mula sa mga magulang, guro, mag-aaral, o stakeholders ng school community.
Sa kasalukuyan, tiniyak ng DepEd ng patuloy nilang pinalalakas ang suporta sa mga paaralan sa pamamagitan ng School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), na pinagsama-samang tulong mula sa iba pang mga ahensya, local government units (LGUs), partners, at volunteers.
Anila, ang Brigada Eskwela ay hindi fundraising activity, bagkus, ito ay “whole-of-community” effort upang ihanda ang mga paaralan para sa mga papasok na mga mag-aaral.
Sa kaugnay na ulat, ang Brigada Eskwela ngayong taon ay isinagawa ng maraming paaralan sa bansa simula Hunyo 1 hanggang 5, bago ang pasukan sa Hunyo 8.
Trending
- NBA: Knicks pinatahimik ang Spurs sa Game 1 ng NBA Finals
- NBA: Knicks pinatahimik ang Spurs sa Game 1 ng NBA Finals
- Alex Eala umusad sa QF ng Birmingham Open
- Darren, nag-bday kasama ang mga bata sa ospital
- Pabigas at pamanok ni Maris, nilait
- Bayani, namura ng misis!
- ICC naghahanap ng Tagalog, Cebuano interpreter
- Ex-SPs, nanawagang ayusin na ang gusot sa Senado
