Proud dad.
Ganito nga kung ilarawan ng marami si Bossing Vic Sotto makaraang mahalal muli ang kanyang anak na si Vico bilang Pasig City Mayor.
Si Vico ang nag-liasang anak ng TV host-comedian kay Coney Reyes.
No less than Bossing nga ang nag-grace sa campaign rally ni Vico noong Marso on behalf of Giting ng Pasig team.
Lumikha ng ingay at pagsang-ayon ang paraan ng pagpapakilala ni Bossing sa anak.
In-address kasi niya si Vico bilang “ang susunod na Presidente ng Pilipinas!”
Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon si Vic na ipaliwanag ang tungkol dito.
To begin with, hindi raw puwedeng tumakbong Pangulo ang anak dahil sa edad nito.
Vico is only 35 years old, short of five years sa minimum age requirement para sa nasabing puwesto.
Pero bukod sa edad, may “deeper meaning” o mas malalim na kahulugan daw ang tinuran niya.
What Bossing meant was na sana raw, ang susunod na Presidente ay tulad ni Vico.
Taglay daw kasi ng anak ang paninindigan, prinsipyo, at political will.
Hindi lang daw basta kuwento-kuwento.
As for Vico, minsan na niyang sinabi na hindi siya naghahangad ng mas mataas na posisyon.

Share.