tesssssstt

Mismong ang assistant dean ng College of Law ng University of Makati na si Atty. Cecilio Duka ang nagpahayag na malabong maipalabas ang The Rapists of Pepsi Paloma, ang kontrobersyal na pelikula ni direk Darryl Yap.

Kinatigan na nga ng korte ng Muntinlupa City ang reklamo ni Vic Sotto whose name ay positibong binanggit ng gumaganap bilang si Pepsi sa teaser nito.

Mapapanood ang teaser sa Facebook page ni Yap.
Giit ni Duka, ang malayang pamamahayag ay hindi absolute lalo’t kung ang materyal–kahit pa sabihing totoo–ay makakasira sa imahe o reputasyon ng isang indibidwal.

Ito nga ang dahilan sa likod ng pagsampa ng 19 counts of cyber libel si Bossing laban sa direktor.
Binanggit din ni Duka ang “res judicata,” kung saan matagal na raw ang kasong kinasasangkutan ni Pepsi.

“Sa madaling salita, walang forever,” ani Duka using layman’s terms para mas higit maunawaan ang dahilan kung bakit mabibigo si Yap na maipalabas ang kanyang pelikula commercially.

Pupuwede aniyang mapanood ito ng illang mga kaibigan o grupo ng mga taong malapit kay Yap, pero once kumalat ito lalo na sa social media ay magdudulot ito ng malaking problema.

Hindi naman tuwirang sinang-ayunan ni Duka kung ang intensyon para sirain si Bossing ay dahil may mga kaanak itong tatakbo sa eleksyon ngayong taon.

Tumatakbong senador uli ang nakatatanda nitong kapatid na si Tito Sotto.

Samantala, ang anak naman ni Bossing na si Vico Sotto ay reelectionist bilang mayor ng Pasig City.

Sa ngayon, naninindigan pa rin si Yap na wala siyang masamang hangarin sa paggawa ng nasabing pelikula.

Share.